333

Apr 5, 2020 @ 14:23
By

Alex Gonzaga nagpakalat ng COVID-19 fake news

Bumuhos ang kritisismo kay Alex Gonzaga matapos na mag-tweet ito na may trend umano na karamihan sa mga nagpopositibo ngayon sa COVID-19 ay ang mga nanggagaling sa grocery.

Sa tweet ni Alex, inengganyo nito ang madla na mag-bulk buy o bumili na nang marami para hindi na pabalik-balik sa mga grocery.

“So far ang trend sa hospitals now is sa grocery nakukuha ang COVID-19 so if kayang mag-bulk buy, yun na yung gawin,” saad sa tweet ni Alex.

Pinuna ito ng mga netizen matapos na maglabas ang Philippine General Hospital ng pahayag na fake news na karamihan sa kaso ngayon ay galing sa mga grocery.

Kaya naman biglang bawi si Alex at binura ang nasabing tweet, pinaliwanag na nanggaling lang din ito sa kanyang kaibigan na may contact sa mga doktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?