23

Jan 24, 2021 @ 17:12
By

Alex Gonzaga, mister ‘naglampungan’ sa Amanpulo

Sa Amanpulo napiling mag-honeymoon ng newlywed na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Sa kanyang recent vlog, makikita ang mag-asawa kasama ang pamilyang Gonzaga at Soriano na nagtungo sa Amanpulo.

Aniya, “familymoon” ang kinalabasan ng dapat sanang alone time nila ng mister.

Ayon kay Alex, dati na niyang pinangarap makasama si Mikee sa mga baksayon nilang ng pamilya.

“Dati pinapangarap ko lang talaga makasama si Mikee sa family vacation namin. Kaya right after our wedding, I planned this family trip dahil papayag na sila mommy dahil kasal na kami,” sambit niya.

Apat na araw, nanatili ang mag-asawang Morada at pamilya nito sa naturang isla.

Matatandaang nito lamang nakaraang linggo nang ibunyag ng aktres na ikinasal na sila ni Mikee.

Ginanap ang kasal sa bahay ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?