68

Jun 21, 2021 @ 17:15
By

Alex Gonzaga, Mikee nagpulot-gata sa Batangas

Nasolo ni Alex Gonzaga ang kanyang asawang si Mikee Morada sa Lipa, Batangas.

Sa bago niyang vlog sa YouTube binahagi ni Alex ang “quickie honeymoon” nila ni Mikee.

Nagbakasyon sila sa isang medical wellness resort na The Farm at San Benito.

Ani Alex, iyon ang unang biyahe nilang mag-asawa na walang ibang kasama.

Noong magbakasyon kasi sila sa Amanpulo ay kasama ang pamilya ni Alex.

Nag-enjoy ang dalawa sa iba’t ibang wellness treatment sa resort tulad ng water massage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?