93

Oct 11, 2017 @ 11:26

Alex Gonzaga loveless sa Italy

Ang Italy naman ang naging destinasyon nang nina Toni Gonzaga, kasama ang kanyang asawang si Paul Soriano, ang anak nilang si Seve at kapatid na si Alex pati na ang kanilang mga magulang.

Hindi nagpatalbog si Toni sa bakasyon nang ka-loveteam niya sa sitcom nila sa ABS CBN 2 na “Happy House” na si John Lyod Cruz na nasa Morocco ngayon with Ellen Adarna, kaya sa Italy naman sila nagliliwaliw nang kanyang buong pamilya.

Ito yata ang kauna-unahang Europe tour ni Toni na kasama ang kanyang sariling pamilya, sister at parents.

Sa pagkaka-alala namin, sa Amampulo pa lang nag-honeymoon sina Toni at Paul.  Ang sumunod ay sa New Zealand noong hindi pa buntis ang aktres.

Mukhang solo lang si Alex sa bakasyon at hindi nito bitbit ang kanyang non-showbiz boyfriend.  Masaya naman ang comedienne-host  lalo’t napanggigilan niya ang pamangking si Seve.(Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?