37

Jan 13, 2022 @ 16:26
By

Alex Gonzaga kay Piolo: ‘Kung hindi dahil sa’yo wala ako asawa’

Maraming netizen ang naaliw sa birthday greetings ni Alex Gonzaga kay Piolo Pascual.

Hirit ni Alex, si Piolo ang naging daan para magkaroon siya ng asawa.

“Happy birthday papa P!!! @piolopascual_ph Kung hindi dahil sayo wala ako asawa at kalandian ngayon. Marami kami nagmamahal sayo na natulungan at napasaya mo!” tweet ni Alex.

Kahapon, January 12, nag-celebrate si Piolo ng kanyang 45th birthday.

Sa isang interview kay Alex at sa nobyo pa lamang niya noon na si Mikee Morada (2017), sinabi nila sa mga host ng “Magandang Buhay” na nagkakilala sila dahil kay Piolo.

Kaibigan kasi ni Mikee si Piolo at dahil sa crush niya si Alex ay hiniling niyang ipakilala siya sa sikat na vlogger.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?