149

Jul 16, 2019 @ 19:45
By

Alex Gonzaga inoperan na magpalaki ng boobs sa Korea

Binunyag ni Alex Gonzaga na inalok siya ng isang plastic surgery agent mula sa South Korea sa pamamagitan ng email.

May pamagat ang email ng “Collaboration Enquiry: Breast Implant”.

Gaya ng inaasahan, kuwela ang naging sagot ni Alex sa email.

“Nakaka-hurt! Hahahaha! Why would you think I need one? Hanggang sa Korea nakarating ‘to?” sabi ni Alex.

Isa ang South Korea sa mga popular “cosmetic surgery hub in the world” kung saan marami talagang nagpapa-plastic at cosmetic surgery doon kabilang na ang mga kilalang celebrity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?