259

By

Alex Gonzaga handa nang maghubad

Nataranta ang mga fan nang makita ang latest post ni Alex Gonzaga na siya ang covergirl para sa buwan ng February sa isang magazine.

Sa picture niya kasi bilang covergirl, kitang-kita ang makinis niyang balat mula braso hanggang likod.

Unang beses kasi makita ng mga fan na sexy o medyo daring ang suot at pose ni Alex. Nanibago sila dahil knowing their parents, strict pagdating sa ganiyan.

Hindi rin nagpahuli sa mga comment ang mga kaibigan ni Alex sa showbiz.

“Love you!!! Diwani diwata ka diyan!” sabi ni Ruffa Mae Quinto.

“Love this!!!” say ni Iza Calzado.

“Panalo!!” saad ni Bianca Gonzales.

At siyempre ang forever icebreaker bestfriend ni Alex na si Luis Manzano ay nag- comment din at sinabing “Tari nalang kulang sabong na” na siyang humatak din talaga ng followers impact! Inabangan talaga ng mga fan ang comment ni Luis, ha!

Marami naman ang nagtatanong kay Alex kung ready na ba ito sa daring roles at ang sagot nito ay “we are born ready!”

Well dahil diyan, shookt talaga ang mga fan sa mga pasabog ni Alex at worried din kung ano kaya ang reaksyon ng mga magulang nila.

Abangers rin ang mga fan kung ano rin ang magiging reaksyon ng boyfriend ni Alex na si Mikee sa sinabi ni Alex na ready ito for daring roles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?