42

Feb 28, 2020 @ 18:55
By

Alex Gonzaga, Ellen Adarna todo-puri kay Carlo Katigbak

Napukaw din ni ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak ang atensiyon ng ilang local celebrity, gaya nina Alex Gonzaga at Ellen Adarna.

Sa Instagram, pinagtabi ni Alex ang larawan ng fiancé niyang si Mikee Morada at ni Katigbak.

“Kaya pala magaan ang loob ko sa boss namin……. #KapamilyaForever,” caption nito.

Katumbas naman umano ng pangalan ni Katigbak ang salitang “composure” o pagiging mahinahon, sey ni Ellen sa isang IG story.

Binanggit din niya bilang “#reallifeprincecharming” sina Katigbak, ABS-CBN Chairman Mark Lopez, at ABS-CBN Corporate Group Head Mark Nepomuceno.

“So… i watched the senate hearing… masasabi ko lang… Grabe fuma-fangirl na naman ako!!! ang mga leading man ng abs-cbn hahaha,” hayag ni Adarna, na ilang taon nang wala sa showbiz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?