470

Mar 31, 2020 @ 21:55
By

Alex Gonzaga, Bela Padilla nagkasagutan sa social media

Kanya-kanyang “manok” ang mga netizen sa pagitan nina Alex Gonzaga at Bela Padilla.

Nagkasagutan kasi ang dalawang aktres tungkol sa isyu nina Sam Morales, Jzan at Bilko.

Magugunitang nag-trending nitong March 31 ang filmmaker na si Morales matapos ang umano’y ginawang “catfishing” sa isang transwoman.

Lumabas na ginawa ni Sam iyon kay Jzan bilang ganti dahil na-bully ang una noong bata pa ng mga gay people.

“To anyone reading this.. basta ang ka-chat or katext mo di nakipagkita within a month or Video call man lang na sabay kayo dalawa pareho nakikita at naguusap sa screen.. it’s fraud,” tweet ni Alex.

Nag-react dito si Bela at kinampihan si Jzan, “This isn’t always the case, Alex. The victims of these situations are kept in a bubble, so perfect, that they wouldn’t want to leave. One month will feel like a day when they condition you to think that you’re in love and loved.”

Nireplayan ulit ito ni Alex ng: “Hi Bela, i know and understand. I know people who are victims as well. That’s why im reminding everyone if simula palang ganun na, it’s shady and fishy na. I helped one case to realize that he’s being catfished and thankfully he stopped it. Just trying to help and remind.”

Sinagot naman ito ni Bela ng: “Perfect.”

“We are always here to look after each other especially sa mga nakakabata sa atin,” dagdag ni Alex.

“And that’s precisely why I felt the need to reply to your tweet. Jzan was so brave to speak up. I don’t want her or anybody else who went through this to think it was their fault. Red heart. I mean, what factual study declared one month? But nevertheless, thank you for the warning,” giit naman ni Bela.

Nilinaw naman ni Bela na walang away na namamagitan sa kanila ni Alex dahil gusto lang nitong talakayin ang hindi na-cover ng huli sa isyu.

“Please dont misconstrue. There is no versus here. I love Alex, I am just covering areas she didnt cover with her tweet. Twitter is a public space and the chances that one might feel left out OR singled out are huge here. We don’t condemn or only accept one point in public spaces,” ani Bela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?