914

By

Alex Gonzaga ban sa Parañaque matapos mangbatikos sa Mayor?

Makikipagkita umano si Alex Gonzaga sa reelected mayor ng Parañaque na si Edwin Olivarez upang pag-usapan ang naging pahayag ni Alex laban dito.

Kinumpirma ito ng kapatid niyang si Toni Gonzaga.

Ayon kay Toni, maghaharap sila at magkakaroon ng maayos na pag-uusap tungkol dito.

Aniya, “she said she’s dealing with the matter privately with the city already, and they’re going to have a formal talk, a formal meeting.”

Matatandaang matapos sabihin ni Alex noong nakaraang pangangampanya na “may pagkamadugas” ang mayor, nagkaroon ng usap-usapan na idedeklara ng Parañaque ang “persona non grata” rito o ang pagbabawalan nito sa lungsod.

Pinabulaanan naman ito ni Parañaque city administrator Ding Soriano.

Aniya sa isang interview sa isang network, hindi ito pinepersonal ni Olivarez dahil “it’s part of politicking.”

Pinabulaanan din ni Soriano ang pahayag ni Alex at sinabi na hayaan na lang na magdesisyon ang mga tao kung may basehan ang sinabi nito.

Pinaalalahanan naman niya si Alex na mas maging “circumspect and morally obligated” sa mga sinasabi niya sa harap ng publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?