109

Jan 31, 2020 @ 17:35

Alex Eala sinungkit ang unang juniors Grand Slam title sa Australian Open

Umukit ng kasaysayan ang Pinay na si Alex Eala matapos kopohin ang kanyang unang juniors Grand Slam title sa 2020 Australian Open juniors doubles tournament nitong Biyernes sa Melbourne Park.

Katuwang ang kanyang Indonesian partner na si Priska Nugroho, pinabagsak ni Eala ang European tandem nina Ziva Falkner at Matilda Mutavdzic, 6-1, 6-2, para kunin ang tropeo.

Sa opening set ay nagpakilala agad ang Southeast Asian tandem, 5-0 abante agad ang kinubra kontra sa mga katunggali.

Nakabawi naman si Falker at Mutavdzic ngunit hindi kinaya ang angas nina Eala at Nugroho.

Sa second set ay kinubra nina Eala ang huling tatlong laro para tuluyang makuha ang kampeonato.

Samantala, umabot naman sa ika-3 round si Eala sa singles event, ang kanyang pinakamataas sa Grand Slam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?