43

Mar 6, 2020 @ 14:29
By

Alex Eala panalo sa 1st pro match sa Tunisia

Wagi ang Pinay tennis prodigy na si Alex Eala sa kanyang kauna-unahang professional match sa International Tennis Federation Women’s Futures sa Tunisia.

Pinataob ng 14-anyos na si Eala si Nadia Echeverria Alam ng Venezuela sa iskor na 1-6, 7-6 at 3-2 sa ITF Main Draw match na ginanap sa Monastir, Tunisia nitong Huwebes, March 5.

Ngunit nabigo naman ito kontra kay No. 3 seed Nina Stadler dahilan para matanggal na ito sa tournament.

Gayunpaman, lumaban si Eala na nakadikit sa halos lahat ng set, nalusutan lang sa iskor na 4-6, 7-6 (6), 7-5.

Si Eala ay ang World No. 4 sa juniors, at huling nagwagi sa 2020 Australian Open juniors doubles tournament kakampo si Priska Nugroho ng Indonesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?