94

Jun 12, 2020 @ 16:20

Alex, Catriona singer Matthaios nagbangayan sa Twitter

Nakipagbangaan ng rap si Alex Gonzaga sa isang rap-artists na may pangalang Matthaios (Twitter account @matthaiosTBW). Hindi nagpakabog si Alex na sagutin ang patutsada na rap sa kanya ng nasabing 20-year old game developer na estudyante at founder ng OBP Records.

Sa rap ni Matthaios sinabi niyang sikat lang sa social media si Alex at hindi naman ito totoong artist. Sinabihan pa niya ang vlogger na tanggalin ang makeup nito, na parang sinasabing hindi maganda ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Bumanat ng sagot sa pamamagitan ng rap si Alex at sinabihang panget na Universe si Matthaios. Dalawang beses nag-tweet ng kanyang rap-patama si Alex kay Matthaios. May caption pa ang isa na “Bars!! FYI little one, talo ng jeje ang conyo.”

Sabi pa niya sa isang video tweet, “Ayoko na sana pumatol pero…”

Parehong naka-tag sa Twitter name ng rapper ang mga video ni Alex.

Sabi, ang ugat ng away nila ay dahil nag-comment ang Catriona singer na si Matthaios sa ‘Amfee’ music video ni Alex.

“Ewan ko lang ah, pero I just heard yung song na AMFEE and I think she was facing the mirror nung kinakanta niya `yon. Lol, jk!” sey ni Matthaios.

‘Mommy Pinty’ ibinurol ang kaaway ng anak

Pero, marami ang kumampi at nagbigay ng moral support kay Alex sa laban nito kay Matthaios, pero ang nakakagulat ay ang panggagatong pa ng ina niyang si Mommy Pinty sa mga comment nito sa anak at sa rap video ng kaaway ng anak.

Maraming mga tweet si Mommy Pinty laban kay Matthaios at sinasabi nitong nalaos ang karera nito. Nagposte pa ng kabaong sa kanyang tweet wall si Mommy Pinty at sinabing “sama-sama po tayo sa burol ng namatay na career ni @matthaios.”

Sey pa sa ibang tweet ni Mommy Pinty, “MEN ARE SHIT! Except kay Bonoy!@ Go TEAM ALEX @Mscathygonzaga.”

‘unofficial’ ang twitter account kaya puwedeng pagdudahan kung ang ina mismo nina Toni at Alex ang may-ari ng account.

Sa pagkakakilala namin kay Mommy Pinty, palaban ito at sumusugod kapag may nang-a-api sa kanyang dalawang anak.

KC sabik nang maki-party

Nakalabas na ng kanilang bahay sina Sylvia Sanchez at asawang si Art Atayde.

Tatlong buwan mula nang mag-self quarantine ang mag-asawa nang dapuan ng COVID-19 at maka-recover, nitong nakaraang araw lang nagdesisyon ang dalawa na lumabas.

Pinoste ni Sylvia sa kanyang Instagram ang larawan nila ni Art na nasa loob ng sasakyan at parehong naka-facemask. Masisilip sa photo gallery ng post ang pagpunta ni Sylvia sa bangko, at ang pag-grocery.

Si KC Concepcion naman ay lumabas para magpa-facial treatment. Parang hindi magpapa-facial si KC dahil pusturada at naka-heels pa siya at may suot na facemask.

Nasabik talaga ang dalaga na isuot ang mga magagara niyang damit kaya nagbihis ito nang pang-party.

Lumabas na rin ng bahay si Morissette Amon, na ayon sa kanya ay para sa ilang mga importanteng gagawin. Ang ibang mga celebrity naman ay nakalabas na ng kani-kanilang mga tahanan dahil sa inip nila sa loob ng bahay.

Ciara maligaya kay Ian

Kasal na ang kulang para maselyuhan na ang pag-iibigan nina Ciara Sotto at non-showbiz boyfriend na si Ian. Base sa Instagram message ni Ciara sa boyfriend, ito na nga raw ang tamang lalake na gusto niyang makasama sa buhay.

Ipiniakyat sa pedestal ni Ciara ang boyfriend dahil sa mga katangian nito na nagmamahal sa kanya nang husto, umuunawa, nagpapakalma, nagbibigay kasiyahan, kilig at higit sa lahat ang atensyon sa kanyang anak.

“Apart from making me feel special and treating me like a princess, he is one person who calms me down by simply having the right words to say. He knows when I feel bad, shows how much he cares for me, and helps me out in every way he can even before I ask for it,” sey niya.

Matindi raw ang malasakig ni Ian sa kanyang anak na si Crixus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?