205
Alessandrini namilipit sa knee injury
Mar 2, 2019 @ 16:16
By

Alessandrini namilipit sa knee injury

Hindi na makakabalik ng laro si University of Santo Tomas hitter Milena Alessandrini matapos ang masamang bagsak sa Set 2 ng laban nila kontra Far Eastern University sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa Big Dome.

Agad siyang itinakbo sa UST hospital matapos mamilipit sa sakit nang ma-twist ang tuhod niya pagbagsak mula sa spike.

Isasailalim siya sa MRI dahil sa hinihinalang MCL injury.

Ilang games ding hindi nakita si Alessandrini noong nakaraang taon dahil naman sa right shoulder injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?