81

Jul 7, 2020 @ 15:28
By

Alessandra sa higit 2K COVID-19 case: ABS-CBN pa rin issue?

Nag-react ang aktres na si Alessandra de Rossi matapos makapagtala ng higit 2,000 panibagong COVID-19 case ang Pilipinas ng magkasunod na araw.

Aniya, bakit ABS-CBN pa rin ang isyu habang marami na ang nagugutom, nagkakasakit at namamatay sa virus.

“It kills my soul. 2k cases, 2 days straight. Sige, let’s focus on abs cbn pa. Let’s talk about anything that’s used a smokescreen to mask the reality! We are not winning. People are hungry, sick and dying, and they need to risk their Iives for food. Ano, ABSCBN parin ang issue?” tweet ni Alessandra.

“Di ako galit. Nasasaktan ako. Wala. Akong magawa to make anything better, but to pray na tulungan natin ang isa’t isa. Let’s focus on this pandemic. Ito ang problema natin. Saka na yung iba. May oras para dyan. Pero ang buhay ng tao pag natapos, di mo na mababalik yun,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?