192

Oct 12, 2017 @ 11:57

Alessandra, lumalayo na kay Empoy; “Hindi kami love team!” — Alessandra

HINDI lang si Bela Padilla ang young actress na nagbe-venture na rin into scriptwriting. Si Alessandra de Rossi ang sumulat ng bago niyang pelikula, ang ‘12’ na prodyus ng Viva Films.

Maiisip talagang follow-up ni Alessandra sa box-office hit movie nila ni Empoy Marquez na Kita Kita ang pelikula, pero, nilinaw ni Alex na wala raw talagang kinalaman sa Kita Kita ang 12 lalo at mas una na niya itong naisulat at hindi rin ito comedy love story.

Ang termino niya, “It’s a dram-rom.” Drama-romance.

Nahiya raw si Alex kay Boss Vic del Rosario dahil una, baka hanapin nito ang Kita Kita sa 12, kaya sinabi raw niya talagang ibang-iba ang sinulat niya at sey niya, “inding-indie” talaga.

Pero malakas ang pananalig ni Boss Vic sa kuwento ni Alex at sa team-up nila ni Ivan Padilla kaya masasabing sinugalan talaga ito at ipalalabas na nga sa mga sinehan sa November 8.

Wala raw nagbago kay Alex sa kung paano niya nakikita ang sarili after ng success ng Kita Kita.

“Ang nagbago ‘yung mga tao sa paligid ko. Na Alex dapat ganito, Alex dapat ganiyan. So, huwag niyong ipasok sana sa utak ko na ganu’n.”

At hindi rin naman daw sila loveteam ni Empoy kaya hindi dapat pagtakhan kung iba ang leading man niya ngayon. Pero ayon din kay Alex, marami naman daw naka-line-up na projects sa kanilang dalawa ni Empoy.

“Sobrang excited din akong gawin ‘yun. Pero siyempre, may sarili rin naman akong buhay. At hindi rin naman kami loveteam na parang kapag gumawa ka ng project without him, wala nang kuwenta ang project niyo.

“May fans ba kaming ganu’n na magagalit kung hindi kami ang magkasama? Hahaha!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?