843
alessandra-de-rosi
By

Alessandra, inalok ng baby sa halagang P60K

Sharing is caring!

Isang hindi inaasahang offer ang natanggap ni Alessandra de Rossi na ikinagulat niya nang husto.

Ang nasabing offer ang nagpawindang ng mundo niya dahil bukod sa wala itong kinalaman sa kanyang career, napatunayan niyang totoo pa lang may nangyayaring ganito.

Naloka si Alessandra dahil isang bagong silang na sanggol ang inaalok sa kanya sa halagang wala pang 100K.

Nag-tweet si Alex (palayaw ni Alessandra) sa kanyang Twitter sa naengkuwentrong pangyayari.

Saad ni Alex, ‘yung nagde-deliver daw ng gasul ang nag-alok ng sanggol sa halagang 60K.

@alessandra de rossi, @msderossi: “Nakakaloka si kuyang nag-deliver ng gasul, nag-aalok ng bagong panganak. 60k lang daw. My gas!”

Mukhang hindi pinatulan ni Alex ang offer dahil wala na siyang follow-up tweet tungkol dito.

Pero isa sa kanyang mga follower ang nag-comment na sana ay kinuha na lang niya ang bata.

Mikoyumi Tasani: “Kinuha mo na lang sana malay mo, suwerte ‘yun sa ‘yo.”

Hindi naman makapaniwala ang ilan sa kanyang mga follower.

Nicole Penny: “Seryoso?”

Charmaine Doble: “Aw, bakit ganon?”

Jalden Dom: “Aw grabe ah! Oh my gulay.”

Hindi na bago ang adoption sa showbiz dahil nag-ampon din si Nora Aunor, at ito ay sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth.

Si Judy Ann naman ay si Yohan.

Ang kay Claudine naman ay si Sabina.

Si Senator Grace Poe ay ampon ni Susan Roces at ng yumaong si Fernando Poe Jr.

Hindi napag-usapan kung ang mga nabanggit na mga adopted ay binayaran ng kaukulang halaga.

Ilang beses nang natanong ang mga nabanggit na personalidad tungkol sa isyu pero umiiwas ang mga itong pag-usapan ang tungkol sa pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?