22

Mar 5, 2021 @ 20:16
By

Alessandra de Rossi ‘superhero’ turing sa ate

Sinabi ni Alessandra de Rossi na “superhero” niya ang kanyang ate na si Assunta.

Sa kanyang birthday greeting sa kanyang ate, sinabi niyang wala na siyang iba pang mahihiling pa para sa kanya.

“Happiest birthday to our superhero [Assunta]!!! Wala na akong mawiwish pa for you!” saad ni de Rossi sa caption ng kanyang post.


“You have always deserved the best, kaya nga ako ang binigay na first sister sayo. Ay teka, si Fiore na ang topic dito, miracle mom. di na muna kita lalaitin. I love you!!!!!!! Napakasaya ng buong world for you!” pagpapatuloy niya.

Nito lamang Oktubre ng nakaraang taon nang isilang ni Assunta ang kanyng “miracle baby” na siyang unang anak nila ni Jules Ledesma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?