147

Sep 2, 2020 @ 13:19
By

Alessandra De Rossi sinagot si Lolit Solis

Sabi ni Alessandra De Rossi, wala siyang mapapala sa pagsisinungaling.

Mistulang tugon niya ito sa komento ni Lolit Solis sa isang interview ni De Rossi sa “Usapang Real Life” noong Agosto 31.

Nagkuwento ang “Through Night and Day” star tungkol sa panahong gipit siya sa pera, gayong sinapul ng COVID-19 crisis ang showbiz industry at siya ang gumagastos sa pampaospital ng kanyang tatay sa Italy.

“‘Yung bank account ko right now is pa-bankrupt na. I only had P18,000 in my account, let’s be ano na, fair,” sey ni Alex.

Pinagpasadiyos na aniya niya ang lahat at makalipas ang dalawang oras ay nakatanggap ng pera.

“Akala ko nung time na yun, mabebenta agad ‘yung Starrex or makukuha ko yung time deposit, but no! There’s more: may tumawag after two hours, mayroon pala akong unpaid na mga tinrabaho, na nagbayad,” kwento ng aktres, sabay ngiti.

Hindi makapaniwala si Solis at nilabas niya ang kanyang saloobin sa Instagram, Setyembre 1.

“Kaloka iyon sinabi ni Alex de Rossi na 18K na lang ang pera niya. Hindi kaya nagkamali, baka 180K pala, Salve?,” sey niya.

“Kasi paano naman magiging 18K na lang ang pera ng isang Alex de Rossi na marami naman nagawang pelikula at tv series? Maliban na lang kung nagka gasta siya ng malaki at nasimot ang pera niya.”

“Saan ka dadalhin ngayon ng 18K? Grabe ha, pambayad ilaw, tubig, cable, telepono, gas, pagkain, hanggang saan iyan? Baka nga 180K medyo malayo layo pa ang mapupuntahan, pero 18K, naku mahirap ha!” aniya pa kalakip ang hashtags #classiclolita, #takeitperminutemeganun, at #73naako.

Nag-tweet naman si Alex, at bagaman hindi pinangalanan ang pinatutungkulan ay naglitanya tungkol sa pagiging honest niya.

“Classic din ako you know. I will not get anything from lying,” ani De Rossi.

“Di nagets yung goodness of the message. Minsan kailangan natin makinig nang mabuti sa sinasabi ng iba bago tayo mag-form ng sariling opinion.”

“Credibility ko yan. I don’t LIE and I’m always CANDID, because I won’t get anything from dishonesty. 36 pa lang ako, pero alam ko na po yun since natututo akong magsalita,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?