123

Jan 31, 2019 @ 15:55
By

Alessandra De Rossi at Empoy Marquez balik tambalan sa pelikula

Loveteam muli ang peg nina Alessandra De Rossi at Empoy Marquez sa upcoming film na “Walang KaParis”.

Kabilang ang naturang pelikula sa 10th anniversary celebration ng Spring Film ngayong 2019.

Sa Facebook page ng production studio, inilabas nila ang teaser poster nito.

Ang “Walang KaParis” ang comeback film ng Alessandra-Empoy tandem matapos ang tagumpay ng romantic comedy movie nilang “Kita Kita” noong 2017.

Sa direksiyon ito ni Sigrid Bernardo, na siya ring nagdirek ng “Kita Kita”, na isa sa highest grossing independent film.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?