60
Mayon Bicol PHILVOCS
Feb 22, 2018 @ 10:06
By

Alert level sa Mt. Mayon, ibaba na

DAHIL sa pagbaba ng aktibidad ng Mt Mayon sa nakalipas na mga araw,kinokonsidera na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ibaba ang alert level na kasalukuyang nasa Alert Level 4.

Ayon kay Phivolcs Volcanologist Ed Laguerta sa pisikal na aspeto ng bulkang Mayon ay maituturing na tumahimik ito dahil sa hindi kinakitaan ng aktibong aktibidad sa nakalipas na mga araw subalit sa kanilang seismic instruments ay nakapagtatala pa ng ilang abnormalidad kaya naman hindi maaari na agad agad na ibaba ang alert level bagkus kailangan muna itong pag aralang mabuti.

Sa ipinalabas na bulletin ng Phivolcs ay nakapagtala pa kahapon ng mahinang lava fountaning na tumagal ng 15 minuto, paglabas ng asupre at abo na umabot sa 500 metro mula sa summit at nakapagpatala pa ng 183 volcanic earthquakes.

Sinabi ni Laguerta na kanila munang susuriin ang ilalim ng bulkan at kung masisiguro na wala na itong pagbabanta at wala nang inaasahang sunud sunud na pagbuga ng pyroplastic materials ay posible na ibaba na ang alert level.

Sa ngayon ay nanatili sa Alert Level 4 ang alert level sa Mt Mayon na nangangahulugan na may posibilidad na magkaroon ng hazardous eruption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?