49

Nov 20, 2021 @ 21:59
By

Alert Level sa ibang lugar inilabas ng Palasyo

Inilabas ng Palasyo ngayong Sabado ang mga alert level na iiral sa mga lugar sa bansa na hindi pa naisama sa mga unang isinailalim sa naturang sistema.

Matatandaang noong Nobyembre 11 ay inaprubahan ng pamahalaan ang pagpapatupad ng alert level system sa buong bansa.

Ilang araw ang lumipas ay inilabas ang iiral na alert level sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, ngunit may ilang lugar pang hindi napabilang dito.

Kaya naman, ang mga lugar na isasailalim sa alert level system mula Nobyembre 22 hanggang 30 ay:

Alert Level 2:

Benguet, Abra, Kalinga, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Romblon, Palawan, Occidental Mindoro, Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.

Alert Level 3:

Apayao, Mountain Province, Ifugao, Dinagat Islands, at Sulu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?