457

Jan 8, 2022 @ 20:06
By

Alert Level 4 sa NCR ‘di aprub kay Concepcion

Hindi na umano kailangan ang Alert Level 4 sa Metro Manila ngayong buwan dahil sa unang quarter umano ng taon ay nagiging mabagal ang ekonomiya dahil karamihan sa mga tao ay ubos na ang budget na ginamit noong holiday season, ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

Sa isang statement ngayong Sabado, sinabi ni Concepcion na babagal ang mobility ng mga tao at hindi na dadagsa sa mga matataong lugar gaya ng mga pamilihan dahil nagastos na nila ang kanilang badyet noong holiday season.

“The first quarter of the year is a weak and slow quarter since many have spent the money with Christmas gifts and New Year gatherings. This is the quarter where we see slow sales for most businesses,” wika ni Concepcion.

“So even if they did not place it in Alert Level 3, mobility will really drop and on top of that surge, nobody will go out so there is no need to place it under Alert Level 4. People are generally scared to go out now because of the increase in cases and they have already spent their money during the holidays last month,” dagdag pa nito.

Wika pa ni Concepcion, hindi na kaya pa ng maliliit na negosyo ang pagpapatupad ng istriktong community quarantine, gaya ng Alert Level 4.

Sa ilalim kasi nito, ang mga establisyimento ay magpapapasok lamang ng hanggang 10% ng kanilang kapasidad at limitado sa mga bakunado. Gayunman, ‘di papayagang magbukas ang mga sinehan, contact sports, amusement park at casino.

Inilabas ni Concepcion ang pahayag kaugnay ng sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na pinag-aaralan nila ang posibilidad na isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 4 dahil sa patuloy na pag-lala ng sitwasyon ng COVID sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?