20

Oct 11, 2021 @ 17:00
By

Alert level 3 sa Metro Manila posible sa Oktubre 15 – Roque

Malaki ang pagasa na maibaba sa alert level 3 ang Metro Manila pagsapit ng Oktubre 15.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakikita naman ang indikasyon na bumababa na ang COVID cases sa bansa at kung magtutuloy ito hanggang sa mga susunod na araw ay hindi malayong lumuwag nang kaunti ang mga polisiya na umiiral sa National Capital Region.

“I would say, it’s a high chance of a lowering of alert level,” ani Roque.

Gayunman, ayaw pangunahan ng kalihim ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force dahil baka maakusahan aniya siyang inuunahan ang desisyon ng mga eksperto .

“I do not want to be accused of prejudging and pre-empting the IATF. All that I said is that the data supports a lowering of the alert level system especially the ICU utilization rate and the overall healthcare utilization rate of Metro Manila,” dagdag ni Roque.

Kasabay nito, sinuportahan ng kalihim ang pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion na dapat mas babaan pa ang alert level hanggang alert level 2 para makabawi ang mga negosyante.

Sinabi ni Concepcion na kahit ilagay sa 30% capacity sa mga malls, dine in restaurants at iba pang establisimento ay posibleng hindi pa rin maibigay ang 13th month pay ng kanilang mga manggagawa sa kapaskuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?