12

Nov 5, 2021 @ 10:55
By

Alert Level 2 susi sa dagdag trabaho

Naniniwala si Trade Secretary Ramon Lopez na mas maraming nawalang trabaho ang maaaring mabawi sa mga susunod na linggo kasunod ng pagbaba ng community quarantine sa Metro Manila sa Alert Level 2.

Ayon sa mga ulat, tumalon ang unemployment rate sa 8.9 percent noong Setyembre mula sa 8.1 percent noong Agosto nang ilagay ang National Capital Region (NCR) sa pinakamahigpit na community lockdown.

Ani Lopez, sinusuportahan ng mga government economic manager ang panawagan ng business sector para sa higit pang pagpapagaan ng community curbs.

Isinailalim na nga sa Alert Level 2 ang Metro Manila matapos aprubahan ng Malacañang ang pagbaba ng alert status. Epektibo ito hanggang Nobyembre 21. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?