13

Alert Level 1 itinaas sa Marikina River

Sharing is caring!

Itinaas na ng mga awtoridad sa Alert Level 1 ang Marikina River dahil sa patuloy ng paglakas ng ulan bunsod ng habagat na pinalakas ng bagyong Karding.

Ang alerto ay inisyu ala-1:00 ng hapon ng Sabado matapos umakyat sa 15.5 meter ang water level sa Marikina River.

Sa ilalim ng Alert Level 1, ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog ay pinaghahanda sa posibleng pag-evacuate sa kanilang lugar.

Binuksan na rin ang walong floodgates ng Marikina River.

Kapag Alert Level 2 naman, ang mga residente ay ililikas na habang ang Alert Level 3 naman ay puwersahan nang aalisin ang mga residente sa lugar.

Kanina tanghali, nagbabala ang PAGSA na orange rainfall warning sa buong Metro Manila at Rizal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?