70

Oct 15, 2018 @ 18:12
By

Alejano, Villarin kontra sa pagsama ng ‘Pinas sa UNHRC

‘Ironic’ para sa ilang taga-oposisyon ang pagkakaroon ng puwesto ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Katuwiran nina Magdalo partylist Rep. Gary Alejano at Akbayan partylist Rep. Tom Villarin, kabaligtaran ito ng nangyayari sa bansa kung saan talamak ang pagpatay.

Iginiit ni Alejano na walang puwang sa UNHRC ang isang bansa na maraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

Ang pagkaka-pwesto anya ng Pilipinas sa UNHRC ay lantarang pambabastos sa mga pamilya ng mga biktima ng human rights violations.

Sinabi pa ng dalawang kongresista na mismong sa bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte nanggaling na ang tanging kasalanan nito ay ang extra-judicial killings sa bansa.

Sa panig ni Villarin, dapat anya ay hindi lamang sa boto ang pagkakapwesto ng Pilipinas sa UNHRC kundi pinagbatayan din ang track record, commitment at polisiya ng gobyerno pagdating sa pangangalaga sa karapatang pantao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?