474
gary-alejano
Mar 3, 2019 @ 11:55
By

Alejano sa paglobo umano ng mga drug addict: Kalokohan, nakakaumay na!

Ipinahayag ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang umay umano nito tungkol sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na lalong lumobo ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng ilegal na droga.

“Nakakaumay na,” saad ng Otso Diretso senatorial candidate.

“Noong 2016, 4 na milyon diumano ang mga adik. Pagkatapos ng 3 taon bilang Pangulo at libu-libong napatay, imbis na nabawasan, lumobo pa raw ng 7-8 milyon ang drug users ngayon. Kalokohan ito. This is merely a gross exaggeration to justify the crumbling logic behind the drug war,” ani Alejano.

Matatandaan nitong Miyerkoles, Pebrero 27 ay inamin ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila alam kung ano ang basehan ng Pangulo sa claim nito na 7-8 milyong Pilipino na ang alipin ng shabu at ilegal na droga.

Samantala ayon sa estima ng Dangerous Drugs Board noong 2016, tinatayang 1.7 milyong Pipilino lang ang gumagamit ng droga sa bansa.

“Proper statistics is important to ensure that action taken is properly measured and solutions, exact. Without these numbers to gauge the drug war, the number of drug users can arbitrarily be increased, which also increases the likelihood of more people, especially the poor, who will be arbitrarily killed,” saad ni Alejano.

Ayon pa sa mga report, sinabi ng PNP na may ‘unlimited sources of information’ umano ang Pangulo.

“There is no coherence in the manner by which this bloody war is executed. There is no verifiable method by which the President’s statistics and this drug list is derived. It is sloppy and unscientific,” ayon kay Alejano.

“The drug war is losing steam and these false statistics is nothing, but an admission of its failure. Pawang pananakot lamang ito para hindi mapahiya ang numero unong polisiya ng administrasyong ito. In the end, fear, the engine that keeps the drug war running, will also be its undoing,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?