1,430

By

Alejano nagtataka sa resulta ng Pulse Asia survey

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si opposition senatorial candidate Gary Alejano kahit pa hindi siya nakasama sa “Magic 12” sa pinakabagong resulta ng Pulse Asia pre-election survey.

Pero ipinagtataka umano niya kung bakit hindi nagbago ang awareness level niya sa kabila ng kanyang mga pangangampanya.

“Surveys are just our guide in order attest our strategy. [But] it’s somewhat puzzling to me that since the beginning, my awareness did not increase, 29 pa rin parang in spite of all the campaigning, wala pa ring nakakakilala sa akin,” anang Magdalo representative sa panayam sa ANC.

Sa kabila nito, positibo pa rin siya dahil patuloy ang pag-angat niya sa Magdalo survey kung saan rumanggo siyang ika-21.

Batay sa Feb. 24-28 Pulse survey, nakakuha ng 3 percent voter preference si Alejano at nasa ika-28 hanggang ika-37 spot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?