52
alejano
Oct 15, 2018 @ 11:24
By

Alejano naghain na ng kandidatura, kumpiyansang mananalo

Nakapaghain na ang kilalang oposisyon na si Magdalo party-list Representative Gary Alejano ng certificate of candidacy para sa Senado sa 2019 midterm elections.

Kasama ni Alejano ang kanyang kapartido na si Senador Antonio Trillanes IV, pati na rin ang kanyang mga taga-suporta na may bitbit na mga watawat na may logo ng Magdalo sa labas ng Comelec headquarters.

“The reason we are pushing Alejano to run for senator this 2019 is so that there will be someone to stand agains the Duterte administration,” ayon kay Trillanes.

Magiging pangunahing pokus ni Alejano ang seguridad sa bansa partikular na ang banta ng China sa mga disputed na teritoryo kung saan kasama ang ‘Pinas.

Hindi rin umano iindahin ng Magdalo representative ang mababang survey lalo’t mahaba pa ang campaign period.

“Lagi kami nasa dulo. Kailangan namin ng effort, mag-strive pa para maipakilala ako sa taumbayan. People have to know you first before they can support you. But I am confident I can win the elections,” pakli ni Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?