251

Sep 12, 2018 @ 13:00
By

Alejano nagbanta ng panibagong impeachment kay Duterte

Hindi inaalis ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano ang posibilidad na muling masampahan ng panibagong impeachment complaint si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kung tatanggapin ang umano’y intelligence report ng ibang bansa sa umano’y pakikipagsabwatan ni Senador Antonio Trillanes sa kaliwa.

Nababahala si Alejano sa pag-amin kahapon ng Pangulo na mayroong ibang bansa ang may ‘intel’ kaugnay ng umano’y pakikipag-sabwatan ni Trillanes at makakaliwang grupo.

Ït seems the President is allowing a foreign country to intervene with the communications of the Filipino people.. that is a breach of security already kung totoo man ito,” ani Alejano.

Ipinaalala rin ni Alejano ang minsan nang pangako ng Tsina na susuportahan pa rin nila ang Pangulong Duterte laban sa mga tangkang pagpapatalsik sa kanya.

Giit ng mambabatas, hindi dapat dumedepende sa China at Russia ang Pangulo kundi sa sandigan ng taumbayan na mga kapwa Filipino.

Nagpapatunay lamang na ang pangulo ay kino-compromise ang ating seguridad at ang soberenya ng ating bansa sa pag-aallow ng mga ganitong hakbang.. impeachable offense yan! Marami na siyang impeachable offense na nagawa sa bansa.” sabi ni Alejano.

Hindi naman masabi ng kongresista kung kailan ang tamang panahon sa paghahain ng panibagong impeachment complaint laban sa Pangulo at aniyaý darating na lamang ang panahong ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?