61

By

Alejano kumpiyansang papabor kay Trillanes ang hatol ni Judge Soriano

Sharing is caring!

Malakas ang paniniwala ni Magdalo party-list Representative Gary Alejano na hindi magpapadala sa ‘pressure’ si Makati Regional Trial court Branch 148 judge Andres Soriano para hainan si Senador Antonio Trillanes IV ng arrest warrant.

“We’re confident sa background ni Judge Soriano na siya ay magbibigay ng tamang desisyon,” pakli ng mambabatas.

“Sa aming pagkakakilala sa kanya sa mga nakuha nating information, talagang matino si Judge. Matino siya at meron siyang pananampalataya sa Diyos at sa kanyang trabaho,” dagdag pa niya.

Matatatandaan na para sa resolusyon na ang kasong kudeta ni Trillanes, at posibleng ibaba na ang hatol sa susunod na linggo.

“Kung tuluyan niyo ipakulong si Senator Trillanes e lalo niyo na prino-promote si Senator Trillanes. Lalo niyo prino-promote ang Magdalo at opposition at pinapakita niyo ang inyong pagkukunwari na tayo ay demokrasya. E hindi naman. So kung may naiwan pang sense of service and democracy sa katawan niyo e gamitin niyo na ‘yun,” panapos ni Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?