495

By

Alejano kay Duterte: ‘Wag kang praning!

Sharing is caring!

Hindi umano maganda para kay Pangulong Duterte na sumbatan ang mga sundalo at hamunin pang sumama kay Senador Antonio Trillanes IV.

Para kay Alejano, ipinakita lamang ng Pangulo ang insecurity nito nang ikumpara ang sarili kay Trillanes sa tête-à-tête kay Chief Presidential Legal Adviser Salvador Panelo.

“Basically ang nakita namin doon una isang insecure na presidente. Insecure. Bakit binabalikan ang [Armed Forces of the Philippines] sa lahat ng ginawa niya? Bakit parang loyal sila kay Trillanes? Ano ba ang nagawa ni Trillanes for us? ‘Di na dapat ikumpara ng Pangulo sarili niya kay Trillanes dahil he’s the commander-in-chief. Wag ho siya mapraning dahil Presidente siya,” ayon kay Alejano.

Sabi pa ng kongresista, hindi dapat magresulta ng personal loyalty ang suporta ng Pangulo sa military.

Sa tono anya ng pananalita nito ay parang inuudyukan pa ang AFP na magkudeta para patalsikin siya sa puwesto.

“Kung nagmamaktol ang Pangulo at sinusumbatan ang AFP, in fact hinahamon pang magkudeta. Pangit ‘yun sa Pangulo dahil inuudyukan na mag-resort to extra constitutional action,” ani Alejano.

“Ang ating ine-expect na ibigay ng Pangulo ay message of unity, inspiration, encouragement sa ating armed forces at huwag silang sumbatan at hamunin,” dagdag ng kongresista.

Una rito, sinabi ni Duterte sa mga sundalo na sumama na lang kay Trillanes kung may nakita ang mga ito na ginawa ng senador para sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?