60

Dec 6, 2018 @ 15:20
By

Alejano kay Duterte: Tigilan ang pag-atake sa simbahan

Sumusobra na umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawang pag-atake sa Simbahang Katolika.

Sinabi ito ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano matapos tawagin ni Duterte na mga walang silbi ang mga obispo at iutos pang patayin ang mga ito.

Ayon kay Alejano, hindi katanggap-tanggap ang ganitong mga pahayag mula sa Presidente anuman ang kanyang pinaghuhugutan.

Binigyang-diin nito na walang karapatan si Duterte na bastusin ang pananampalataya ng mga Katoliko.

“Ang mga Pilipino ay may kalayaang panrelihiyon. Walang sino man, kahit pa ang Presidente, ang may karapatang mambastos sa ating mga pananampalataya. Ang mga pahayag na ito ay walang puwang sa lipunang may takot sa Diyos,” diin ni Alejano.

Sa kanyang talumpati sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na mas mabuti pang patayin na lamang ang mga obispo na wala daw ginawa kundi ang bumatikos.

Matatandaang dati na rin nitong tinawag ang Diyos na “stupid.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?