96
Abante-TnT-GAry-alejano
Apr 5, 2018 @ 17:57
By

Alejano, ipinaubaya sa Magdalo ang pagsabak niya sa senatorial race

Susunod si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano sa magiging desisyon ng Magdalo Executive Committee sa kanyang posibleng pagsabak sa 2019 elections.

Ginawa ng kongresista ang pahayag matapos sabihin ni Senador Antonio Trillanes IV na itinutulak ng kanilang grupo ang pagtakbo ni Alejano.

“I am grateful for Senator Trillanes’ trust and belief on my qualifications, especially given the importance of the position in question and the responsibilities it bears,” sabi Alejano.

“On my part, I believe that the cause we started in 2003 for the country is a lifetime commitment; and I strive to always act in line with the principles Magdalo has stood for. Henceforth, whatever decision the group will have, I will adhere to the wisdom of the body,” dagdag ng kongresista.

Kinumpirma ni Alejano na nasa proseso ang Magdalo Executive Committee sa pagdedesisyon kung lalahok sa 2019 elections.

Hinihintay umano nila ang resulta ng konsultasyon sa Magdalo chapters at iba pang mga kaalyadong grupo sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?