921
Alejano hindi pabor sa death penalty
Mar 3, 2019 @ 18:17
By

Alejano hindi pabor sa death penalty

Kinontra ni senatorial bet Gary Alejano ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ibalik ang death penalty sa mga krimeng may kaugnayan sa ilegal na droga.

Iginiit ng Magdalo Representative na ang mga mahihirap lamang ang mapaparusahan habang ang mga mayayaman at makakapangyarihan ay kayang-kayang bayaran ang batas at makalaya mula sa krimeng nagawa sa ilalim ng corrupt justice system.

“Meron ng extra judicial killings right now without reforming the justice system mahihirap lang ang papatayin. Tingnan natin yang mga mayayaman who stole billions of pesos from the government, tingnan mo kung asan sila, malaya,” saad ni Alejano sa isang interview sa CNN Philippines.

“So ‘pag ikaw ay mayaman, laya ka. ‘Pag mahirap ka, death penalty ka. So kung hindi natin aayusin ang ating criminal justice system, anti-poor lang ‘yung policy na iyan,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?