6,462

By

Alejano binara ni Bato sa mga ‘sikretong’ China loan

Naglitanya si senatorial candidate Gary Alejano hinggil sa mga kasunduan sa China na pinapasok ng bansa.

Sa pagsasalita ni Alejano sa senatorial debate sa CNN Philippines, binanatan nito ang pagiging confidential at ad hoc ng mga deal ng bansa sa China o bilateral na ang ibig sabihin umano ay walang ibang nakakaalam na sa bandang huli ay magiging “losing end” ang Pilipinas sa naturang negosasyon.

Hindi napigilan ni senatorial bet Ronald “Bato” dela Rosa na hindi sagutin ang pagpuna na ito ni Alejano.

“Palagi niyo sinasabi na confidential, confidential nanghingi na ba kayo ng dokumento sa Malacañang?” kuwestiyon ni Bato sa mga kandidato ng Otso Diretso na humakot ng hiyawan sa audience.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?