4,382
Alejano at Trillanes mga bastos, huwag niyo iboto - Duterte
Mar 5, 2019 @ 20:03
By

Alejano at Trillanes mga bastos, huwag niyo iboto – Duterte

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidatong Magdalo, partikular ang senatoriable na sina Gary Alejano at Senador Antonio Trillanes IV.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bangued, Abra, sinabi ng Pangulo na walang ginawa ang dalawang mambabatas kundi mag-ingay at mambastos ng mga ipinapatawag sa Senado.

Ginawang halimbawa ng Pangulo ang pambabastos at pagpapahiya ni Trillanes kay dating Armed Forces Chief of Staff Angelo Reyes na nagpakamatay sa puntod ng kanyang ina.

“Alejano, naku…sila ni Trillanes. ‘Yang Magdalo iwasan talaga ninyo ‘yan. Sabagay ‘yung mga sundalo hindi ko masisi ‘yan. Pero alam naman ninyo, walang ginawa. Doon sa Senate binastos nila si Reyes. Sabi nitong si Trillanes, ‘You have no dignity’. Kaya ‘yung tao hindi nakatiis, napahiya pumunta doon sa puntod ng nanay, nagpakamatay,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na walang ginawa sina Alejano kundi banatan siya, sakyan at batikusin ang mga ginagawa ng administrasyon.

“Ganoon kabastos si Trillanes. Ewan ko kung kayong mga PMAer iboto niyo ang unggoy na ‘yan,” dagdag pa ng Pangulo.

Si Trillanes ay umano’y first nominee ng Magdalo party-list para sa darating na eleksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?