39

Dec 30, 2018 @ 16:01
By

Alejano aprub sa pag-review ng US-PH defense treaty

Pabor si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano sa plano ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na isailalim sa review ang Mutual Defense Treaty (MDT) ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Sabi ni Alejano na dating opisyal ng Marine, makatutulong ang hakbang na ito para malinawan ang mahahalagang probisyon gaya halimbawa sa kaso ng pag-atake ng ibang bansa.

“A review of the Mutual Defense Treaty would make way for the still ambiguous provisions of the agreement to be clarified. This is particularly needed in case of any attack by a foreign country on our territory including the West Philippine Sea,” ani Alejano.

Ginawa ng kongresista ang pahayag matapos sabihin ni Lorenzana na nais nitong repasuhin ang ilang dekada ng kasunduan para malaman kung may kaugnayan pa rin ang mga probisyon nito sa interes ng bansa sa panahon ngayon.

Base sa mga nakaraang pahayag ng mga opisyal ng Amerika, para kay Alejano ay malabo at non-committal ang posisyon ng mga ito hinggi sa usapin ng territorial dispute sa West Philippine Sea.

“We hope to hear a definitive stand on the matter,” ani Alejano.

“This is a chance for US to clarify their commitments to the Philippines as one of its strong allies in the region. This is also to dispel the idea that the Philippines is left at the mercy of expansionist China,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?