15

By

Ale na tulak, timbog ng parak

Sharing is caring!

Arestado sa isinagawang buy-bust operation ang isang babaeng kilalang tulak ng iligal na droga sa Barangay Fortune, Marikina City.

Ayon kay PInsp. Greco Gonzales, hepe ng Station Drug Enforcement Unit, target ng operasyon ang suspek na si Gemma Samson, 32-anyos, residente ng Barangay Fortune, Marikina City.

Ikinasa ang ang buy-bust operation bandang alas-9:40 Biyernes ng gabi sa harap ng Vista Nila Homeowners Village, Gate 1, Diamond St. corner Azucena St. Barangay Fortune, matapos ang isang organisadong operasyon kungsaan isang pulis ang nagpanggap bilang poseur buyer at nakipag-transaksyon sa suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng shabu at P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng RA 9165 o illegal drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?