663

Nov 29, 2017 @ 9:10
By

AlDub nation watak-watak na

“You are all right. I deserve all the hate in the world because I am such a coward and a selfish little brat. I get it and I understand.”

Ito ang maiksing tweet ni Maine Mendoza noong gabi ng November 27 na umani ng libo-libong likes, loves at retweets.

Naku, nakipagsabayan pa yata ito sa trending topic ng hindi pagkakauwi ni Rachel Peters ng korona sa Miss Universe 2017, huh!

Tanggap ng Eat Bulaga host ang mga negatibong komento sa kanya, and she had it coming.

Matapos niyang ipalabas ang kanyang open letter, para bang binagsakan ng mundo ang AlDub Nation dahil sa pagiging totoo lamang ni Maine sa kanyang sarili at nararamdaman.

Eh, ano naman kasi ang gusto ng kanyang mga faney? Pa-hopia siya tapos ano? Kalurks, ha?

Tama lang naman na piliin niya ang buhay na masaya siya at malaya, kaysa sa buhay na de-kahon at nadidiktahan, devah?

Anyway, halata naman na nakahanda na ang TV host sa magiging consequence nito sa kanyang career, so, ano pa ba?

Divided, we fall na nga raw ang AlDub Nation, pero kung talagang mahal nila ang kanilang mga lodi, dapat ay mas malawak ang kanilang pang-unawa dito, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?