503

Jan 6, 2020 @ 17:24
By

AlDub Nation napuno na! Arjo tinawag na user

Nag-No. 1 trending sa Twitter ang hashtag na #NoToArjoTheUser.

Batay sa mga tweet, pinaglalaban ng mga fan ng AlDub na huwag magkaroon ng solo projects at solo endorsements sina Maine Mendoza at Alden Richards.

Bad trip din sila sa boyfriend ni Maine na si Arjo Atayde dahil sa panggagamit umano sa kanilang idolo.

Sabi ng isang AlDub fan na si @marie_notorio, sawa na silang mga fan na laging nag-a-adjust para sa career nina Alden at Maine.

Nainis naman si @jyrn_ang dahil parang pinupuwersa na raw ng mga fan sina Maine at Alden na maging real life couple.

Dapat aniyang respetuhin sina Maine at Arjo at huwag maging makitid ang utak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?