439

Dec 16, 2017 @ 15:52
By

AlDub Nation nagbunyi sa ‘How it all ended’ ni Maine sa IG

Parang nabunutan ng tinik ang AlDub Nation dahil finally nga ay tuloy-tuloy na ang paramdam ni Maine Mendoza sa Instagram. Hindi man sa kanyang IG wall ipinapakita ang mga kaganapan sa buhay niya, masisilip naman sa IG stories ang mga pinagkakaabalahan niya.

May IG story nga si Maine na picture ng isang lalake na nasa ibaba ng building at nakatingala sa isang babae na nasa bintana naman.

Ang caption ni Maine, “How it all ended?” na may kulay blue na heart.

Sa IG comments ay mababasa ang sobra-sobrang pasasalamat ng fans ni Maine na nagparamdam na nga siya ulit. Ang iba ay parang nabunutan talaga ng tinik sa kanilang mga dibdib.

Pero teka lang, bakit parang tungkol sa ‘pagtatapos’ ang caption na ‘yon ni Maine? May pinatatamaan ba siya? Ang tungkol ba sa kanila ni Alden Richards ang laman ng IG story niyang ‘yon?

Well, ayon sa IG account na aldenmainevideos, ang IG story na ‘yon ay tungkol sa US TV series na ‘How I Met Your Mother’, na ang eksenang ‘yon ay pa-ending na nga ng series, na kung saan ang mga bida ay nagkatuluyan daw sa bandang huli.

Ipinost pa ng aldenmainevideos ang ilang anggulo ng photo na ‘yon, na pareho ngang masaya ang mga bida sa finale.

At siyempre, ganu’n na ganu’n ang wish ng AlDub Nation na mangyari sa mga idolo nila sa bandang huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?