497
rally
Dec 1, 2017 @ 9:19
By

AlDub Nation nag-rally sa Eat Bulaga

Ang ibalik ang AlDub loveteam ang dahilan ng rally kahapon ng fans nina Maine Mendoza at Alden Richards sa harap ng Eat Bulaga studio sa Broadway Centrum, Quezon City.

Nabahala ang AlDub fans na baka buwagin na ang Aldub loveteam dahil sa open letter na inilabas ni Maine noong Linggo at ang kumpirmasyon niya na magkaibigan lamang sila ni Alden.

Hindi sana magkakaroon ng isyu at problema kung hindi naglabas ng open letter si Maine na sentro ngayon ng mga panghuhusga.

Unfortunately, nadamay sa mga batikos si Alden na kilala bilang team player at mas marami ang isinakripisyo alang-alang sa loveteam nila ni Maine. Public knowledge na maraming project ang tinanggihan ni Alden dahil hindi si Maine ang kapareha niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?