345

Dec 4, 2017 @ 8:46
By

AlDub hindi bubuwagin ng Eat Bulaga

Sunod-sunod ang pa-rally ng AlDub Nation sa Broadway Centrum, ang studio ng Eat Bulaga. Nauna na ang white rally, sinundan ng yellow rally, at malamang may rally na naman sila ngayong tanghali.

At bongga sila talaga, dahil sa backstage, o sa daanan ng mga artista talaga sila nag-stay. Inaabangan ang mga artista, hosts ng Eat Bulaga, hindi para magpa-picture, kundi para kausapin tungkol sa AlDub.

Na-post na nga ang video na kung saan ay kinausap talaga ng isang AlDub fan na pinangalanan nila ng Dra. Oraa ang producer ng Eat Bulaga na si Mr. Tony Tuviera.

Sabi ni Dra. Oraa: “Wag niyo pong pababayaang mawala ang AlDub!”

At sagot naman ni Mr. Tuvera: “Hindi! Hindi puwedeng mangyari `yon!”

Sa simpleng sagot na `yon ni Mr. Tuviera, naibsan kahit papaano ang lungkot na nararamdaman ng AlDub Nation.

Mababasa nga sa social media ang lungkot nila, na hanggang ngayon ay hindi nila nakikitang masaya, nagpapatawa ang idolo nilang si Maine. Hindi nila nakikita na magkasama ang dalawa.

At hanggang throwback photos na nga lang sila, at video ng pagsasama ng dalawa, mula nung 2015, hanggang nitong bago maganap ang open letter ni Maine.

Well… (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?