12

By

Aldridge-White nagsabwatan, Spurs lusot sa Thunder sa double OT

Sharing is caring!

Kapwa nagtala ng kanilang career high sina LaMarcus Aldridge at Derrick White para maikaripas sa panalo ang San Antonio laban sa Oklahoma City Thunder, 154-147.

May dambuhalang 56 points at nine rebounds si Aldridge habang dumale ng 23 points si White sa panig ng Spurs para hablutin ang double overtime win.

Samantala, pinangunahan ni Russell Westbrook ang Thunder sa itinalang 24 points, 24 assists at 13 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?