34

Mar 1, 2018 @ 13:50

Aldridge ng Spurs napilayan kontra Pelicans

Wala na nga si Kawhi Leonard, nadagdagan pa ang mga injured players ng San Antonio Spurs matapos mapilayan sa kanang bukung-bukong si All-Star forward LaMarcus Aldridge at kinailangang lisanin ang laro kontra New Orleans Pelicans.

Natamo niya ito habang dinedepensahan si Rajon Rondo, 7:17 pa ang nalalabi sa first quarter.

Itinuloy pa rin niya ang paglalaro bago lumayas, 3:02 sa orasan at nagtungo sa locker room kasama si athletic trainer Will Sevening.

Sumabak muli bago mag-halftime si Aldridge, may 7:39 sa orasan. Pero umalis ulit sa 3:17 minuto.

Matapos nito ay inanunsiyo na ng Spurs na hindi na siya makakabalik.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?