32

By

Aldridge ‘nanisi’ sa talo ng Spurs

Huling Miami player si Kendrick Nunn na naiwan sa court sa halftime, hinintay munang maiabot sa kanya ang pangalawa niyang Eastern Conference Rookie of the Month trophy.

“Hopefully, I get some more,” aniya.

Umiskor si Nunn ng 33 mula sa 13 of 18 shooting, nag-ambag ng 17 points si Goran Dragic at sinalag ng Heat ang late rally ng San Antonio Spurs para ipreserba ang 106-100 panalo Miyerkoles ng gabi.

“He was able to get into a great rhythm,” ani Miami coach Erik Spoelstra kay Nunn na 8 of 8 sa first half.

Balik sa No. 2 spot ng East ang Miami (28-12) sa likod ng league-best Milwaukee (36-6).

May 14 points, 13 rebounds at 7 assists pa si Bam Adebayo sa Heat, angat ang home record sa 18-1. Naglista ng 12 points si Jimmy Butler, 11 kay Duncan Robinson.

Dalawa lang sa 14 na tira ang naisablay ni DeMar DeRozan tungo sa 30 points para sa Spurs. May 21 si Patty Mills.

Isa lang ang naipasok ng San Antonio sa unang 12 tira sa fourth, hindi na nakabawi.

Mula 3-point range, 17 for 40 ang Heat samantalang 10 for 33 ang Spurs.

“It’s hard to win when we shoot that bad from the 3,” komento ni Spurs forward LaMarcus Aldridge.

Tinapos ng 3 ni Butler ang 20-5 run ng Heat mula third quarter patawid hanggang 5:24 ng fourth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?