44

Dec 21, 2017 @ 19:43

Aldridge, Gasol nagtulong sa 93-91 win ng Spurs sa Trail Blazers

Pinagpahinga man sina Kawhi Leonard at Tony Parker para sa injury management program, sumabotahe naman sa Portland Trail Blazers si LaMarcus Aldridge para matangay ng San Antonio Spurs ang panalo, 93-91, nitong Miyerkules (Huwebes, Manila time).

Naitarak ni Aldridge ang 22 points habang may season-high 17 rebounds at 20 points si Pau Gasol.

Nagtulong ang dalawa para maiuwi ng Spurs (22-10) ang tatlong sunod na panalo laban sa dating koponan ni Aldridge.

Dinomina ng Spurs ang rebounding sa 53 habang may 38 lamang ang Trail Blazers.

Lamang ang San Antonio sa halftime, 54-46, ngunit pagpasok ng third quarter ay nahirapan sila kaya’t naibaba ng Blazers ang lamang, 64-61.

Nakarekober naman ang Spurs sa buzzer-beating 3-pointer ni Kyle Anderson kaya’t nakuha ulit ang bentahe, 74-72.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?