234
ABANTE COACH UST CONTRACT
Jan 5, 2018 @ 13:16

Aldin Ayo pumirma ng 6 taong kontrata sa UST

Pormal nang lumipat sa University of Santo Tomas si dating La Salle Green Archers coach AldIn Ayo.

Ayon sa Varsitarian, pumirma na na anim na taong kontrata si Ayo para bigyan siya ng sapat na panahon para palakasin ang basketball program ng UST.

Inaasahang ihahayag ang official announcement sa susunod na linggo.

Ito na ang pangatlong eskuwelahan na hahawakan ni Ayo sa apat na taon kung saan nabigyan nito ng kampeonato ang Letran sa NCAA at La Salle ng UAAP.

Nakapagtala si Ayo ng 30-5 record sa kanyang dalawang taon sa Green Archers kabilang ang championship sa UAAP Season 79 noong 2016.

Malaking hamon kay Ayo ay ang pagbago ng kapalaran para sa UST na nagtapos ng 1-13 sa ilalim ni Boy Sablan sa nagdaang Season 80.

Mananatili pa rinsa UST sina Marvin Lee, Jordan Sta. Ana at Cameroonian big man Steve Akomo, gayundin ang mga nagbabalik na sina Renzo Subido at Mario Bonleon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?